Dear Anak,
Naipadala na namin ang 50 thousand pesos na tuition fee mo, pinagbili na namin ang mga kalabaw natin. Ang mahal pala ng subject mong COUNTER STRIKE, wala na din pala tayong baboy naibenta na din para dun sa sinasabi mo na project nyo na NOKIA N95, ang mahal naman ng project na yun.
Kasama din ang 7 thousand dun para sa field trip nyo sa MALL OF ASIA, anak malayo ba yun? Mag ingat ka sa pagbibiyahe mo, isasanla palang namin ang palayan natin para mabili mo na yung instrumentong I-POD na kinakailangan mo sa laboratory nyo.
Anak komportable ka ba dyan sa boarding house mo, saan ba kamu yan, sa VICTORIA COURT??? - maganda ba dyan? Di ba mainit dyan?
Anak kamusta na pala yung group project nyo na SAN MIG LIGHTS? Napailaw nyo na ba? Mataas ba nakuha nyo na grado dun?
Anak sana bago pa maubos ang lahat lahat ng ari arian natin ay maka gradweyt ka na, walong taon ba talaga ang kurso mo sa SECRETARIAL???
Sana paggradweyt mo makakuha ka ng trabaho kaagad kagaya ng manager ng kumpanya para mabawi natin ang mga ari arian nating nasa sanglaan.
Ay sya nga pala anak di ba sabi mo sa JOLLIBEE / MAK DONALD ka palagi kumakain, ok ba naman sa yo ang mga ulam dyan? Baka hindi masarap, kawawa ka naman.
Anak hanggang dito na lang at sa susunod ay ipapadala namin sa yo ang pera na pambili mo ng ALTIS na gagamitin mo sa VACANT SUBJECT mo.
Ang nagmamahal
Itang at Inang
P.S. Anak mag aral kang mabuti.
an online journal of my thoughts, experience, interests, hobbies and anything that keeps me busy with my computer.
May 20, 2008
Dear Anak
Here is a very touching and heart-breaking joke letter I have ever read. It may be a joke meant to have fun, but when you have read between the lines, it hurts.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment